Mga Gawa 7

Sa pangalawang beses nilang pagpunta doon, nagpakilala na si Jose sa kanyang mga kapatid, at nakilala ni Faraon ang pamilya ni Jose.

Acts 7:13 (UKJV) And at the second time Joseph was made known to his brethren; and Joseph's kindred was made known unto Pharaoh.

11“Dumating ang panahon na nagkaroon ng taggutom sa buong Ehipto at Canaan. Hirap na hirap ang mga tao, at ang ating mga ninuno ay walang makunan ng pagkain.

12Nang mabalitaan ni Jacob na may pagkain sa Ehipto, pinapunta niya doon ang ating mga ninuno. Iyon ang una nilang pagpunta doon.

13Sa pangalawang beses nilang pagpunta doon, nagpakilala na si Jose sa kanyang mga kapatid, at nakilala ni Faraon ang pamilya ni Jose.

14Pagkatapos, ipinasundo ni Jose ang ama niyang si Jacob kasama ang kanyang buong pamilya. Pitumpuʼt limang katao silang lahat.

15Kayaʼt pumunta si Jacob sa Ehipto, at doon siya namatay, pati na rin ang lahat ng kanyang mga anak na ating mga ninuno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.