Mga Gawa 7

Nakita niya ang isa sa kanila na pinagmamalupitan ng isang Ehipsiyo. Ipinagtanggol niya ito, at bilang paghihiganti, pinatay niya ang Ehipsiyo.

Acts 7:24 (UKJV) And seeing one of them suffer wrong, he defended him, and avenged him that was oppressed, and stroke the Egyptian:

22Tinuruan si Moises ng lahat ng kaalaman ng Ehipto, at naging makapangyarihan sa salita at sa gawa.

23“Noong apatnapung taon na si Moises, naisipan niyang dalawin ang kanyang mga kababayang Israelita.

24Nakita niya ang isa sa kanila na pinagmamalupitan ng isang Ehipsiyo. Ipinagtanggol niya ito, at bilang paghihiganti, pinatay niya ang Ehipsiyo.

25Sa ginawa niyang iyon, inakala niyang mauunawaan ng mga kapwa niya Israelita na siya ang gagamitin ng Diyos upang palayain sila. Ngunit hindi nila ito naunawaan.

26Kinabukasan, bumalik si Moises at nakita niya ang dalawang Israelitang nag-aaway. Gusto niyang pagkasunduin ang dalawa, kaya sinabi niya sa kanila, ‘Mga ginoo, magkalahi kayo. Bakit kayo nag-aaway?’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.