Mga Gawa 7

Sa ginawa niyang iyon, inakala niyang mauunawaan ng mga kapwa niya Israelita na siya ang gagamitin ng Diyos upang palayain sila. Ngunit hindi nila ito naunawaan.

Acts 7:25 (UKJV) For he supposed his brethren would have understood how that God by his hand would deliver them: but they understood not.

23“Noong apatnapung taon na si Moises, naisipan niyang dalawin ang kanyang mga kababayang Israelita.

24Nakita niya ang isa sa kanila na pinagmamalupitan ng isang Ehipsiyo. Ipinagtanggol niya ito, at bilang paghihiganti, pinatay niya ang Ehipsiyo.

25Sa ginawa niyang iyon, inakala niyang mauunawaan ng mga kapwa niya Israelita na siya ang gagamitin ng Diyos upang palayain sila. Ngunit hindi nila ito naunawaan.

26Kinabukasan, bumalik si Moises at nakita niya ang dalawang Israelitang nag-aaway. Gusto niyang pagkasunduin ang dalawa, kaya sinabi niya sa kanila, ‘Mga ginoo, magkalahi kayo. Bakit kayo nag-aaway?’ ”

27“Ngunit itinulak siya ng lalaking nananakit sa kapwa niya at sinabi, ‘Sino ang nagtalaga saʼyong maging pinuno at hukom namin?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.