Mga Gawa 7

Si Moises din ang kasama ng ating mga ninuno sa disyerto. Siya ang namagitan sa mga tao at sa anghel na nakipag-usap sa kanya sa Bundok ng Sinai; at doon niya tinanggap ang mga salitang nagbibigay-buhay upang ibigay sa atin.”

Acts 7:38 (UKJV) This is he, that was in the church in the wilderness with the angel which spoke to him in the mount Sina, and with our fathers: who received the lively oracles to give unto us:

36Si Moises ang nanguna sa mga Israelita palabas sa lupain ng Ehipto. Gumawa siya ng mga tanda at kababalaghan sa Ehipto, sa Dagat na Pula, at sa disyerto na kanilang dinaanan sa loob ng apatnapung taon.”

37“Ito rin ang Moises na nagsabi sa mga Israelita, ‘Magtatalaga sa inyo ang Diyos ng isang propetang katulad ko mula sa lahi ninyo.’

38Si Moises din ang kasama ng ating mga ninuno sa disyerto. Siya ang namagitan sa mga tao at sa anghel na nakipag-usap sa kanya sa Bundok ng Sinai; at doon niya tinanggap ang mga salitang nagbibigay-buhay upang ibigay sa atin.”

39“Subalit ayaw sumunod ng ating mga ninuno sa kanya. Sa halip, itinakwil nila siya, at gusto nilang bumalik sa Ehipto.

40Sinabi nila kay Aaron, ‘Ilikha mo kami ng diyos na mangunguna sa amin; sapagkat hindi na namin alam kung ano ang nangyari sa Moises na ʼyan na naglabas sa amin mula sa Ehipto.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.