Mga Gawa 7

Si Moises ang nanguna sa mga Israelita palabas sa lupain ng Ehipto. Gumawa siya ng mga tanda at kababalaghan sa Ehipto, sa Dagat na Pula, at sa disyerto na kanilang dinaanan sa loob ng apatnapung taon.”

Acts 7:36 (UKJV) He brought them out, after that he had showed wonders and signs in the land of Egypt, and in the Red sea, and in the wilderness forty years.

34Nakikita ko ang mga paghihirap na dinaranas ng aking bayan sa Ehipto, at naririnig ko rin ang kanilang mga hinaing. Kaya bumaba ako upang iligtas sila. Ngayon humanda ka, dahil isusugo kita sa Ehipto.’ ”

35“Ito ang Moises na itinakwil noon ng mga kapwa niya Israelita na nagsabi, ‘Sino ang nagtalaga saʼyong maging pinuno at hukom?’ Ngunit siya ang isinugo ng Diyos na maging pinuno at tagapagligtas ng mga Israelita sa tulong ng anghel na nakita niya sa nagliliyab na mababang punongkahoy.

36Si Moises ang nanguna sa mga Israelita palabas sa lupain ng Ehipto. Gumawa siya ng mga tanda at kababalaghan sa Ehipto, sa Dagat na Pula, at sa disyerto na kanilang dinaanan sa loob ng apatnapung taon.”

37“Ito rin ang Moises na nagsabi sa mga Israelita, ‘Magtatalaga sa inyo ang Diyos ng isang propetang katulad ko mula sa lahi ninyo.’

38Si Moises din ang kasama ng ating mga ninuno sa disyerto. Siya ang namagitan sa mga tao at sa anghel na nakipag-usap sa kanya sa Bundok ng Sinai; at doon niya tinanggap ang mga salitang nagbibigay-buhay upang ibigay sa atin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.