Mga Gawa 7

“Ito ang Moises na itinakwil noon ng mga kapwa niya Israelita na nagsabi, ‘Sino ang nagtalaga saʼyong maging pinuno at hukom?’ Ngunit siya ang isinugo ng Diyos na maging pinuno at tagapagligtas ng mga Israelita sa tulong ng anghel na nakita niya sa nagliliyab na mababang punongkahoy.

Acts 7:35 (UKJV) This Moses whom they refused, saying, Who made you a ruler and a judge? the same did God send to be a ruler and a deliverer by the hand of the angel which appeared to him in the bush.

33“Sinabi ng Panginoon sa kanya, ‘Tanggalin mo ang iyong sandalyas, dahil ang lugar na kinatatayuan mo ay sagradong lupa.

34Nakikita ko ang mga paghihirap na dinaranas ng aking bayan sa Ehipto, at naririnig ko rin ang kanilang mga hinaing. Kaya bumaba ako upang iligtas sila. Ngayon humanda ka, dahil isusugo kita sa Ehipto.’ ”

35“Ito ang Moises na itinakwil noon ng mga kapwa niya Israelita na nagsabi, ‘Sino ang nagtalaga saʼyong maging pinuno at hukom?’ Ngunit siya ang isinugo ng Diyos na maging pinuno at tagapagligtas ng mga Israelita sa tulong ng anghel na nakita niya sa nagliliyab na mababang punongkahoy.

36Si Moises ang nanguna sa mga Israelita palabas sa lupain ng Ehipto. Gumawa siya ng mga tanda at kababalaghan sa Ehipto, sa Dagat na Pula, at sa disyerto na kanilang dinaanan sa loob ng apatnapung taon.”

37“Ito rin ang Moises na nagsabi sa mga Israelita, ‘Magtatalaga sa inyo ang Diyos ng isang propetang katulad ko mula sa lahi ninyo.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.