42Sa ginawa nilang iyon, tinalikuran sila ng Diyos at hinayaan silang sumamba sa mga bituin sa langit, tulad ng nakasulat sa aklat ng mga propeta: ‘Kayong mga Israelita, sa akin ba kayo nagbigay ng mga alay na hayop at mga handog sa loob ng apatnapung taon ninyo sa ilang?
43Hindi! Dala-dala pa ninyo ang tolda ng inyong diyos-diyosan na si Molec, at ang bituing imahen ng inyong diyos na si Refan. Itoʼy mga diyos-diyosang ginawa ninyo para sambahin. Kaya itatapon ko kayo nang mas malayo pa sa Babilonia.’”
44Sinabi pa ni Esteban, “Noong naroon pa ang ating mga ninuno sa disyerto, dala-dala nila ang Toldang Tipanan kung saan nila sinasamba ang Diyos. Ginawa ang toldang ito ayon sa utos ng Diyos kay Moises at sa planong ipinakita sa kanya.
45Tinanggap ito ng ating mga ninuno na nasa pamumuno ni Josue. Dala-dala nila ito noong sakupin nila ang lupain ng mga bansang itinaboy ng Diyos mula sa kanilang harapan. Nanatili ito roon hanggang sa panahon ni David.
46Nalugod ang Diyos kay David, at humingi si David ng pahintulot na magpatayo ng bahay para sa Diyos ni Jacob.