Mga Gawa 7

Hindi! Dala-dala pa ninyo ang tolda ng inyong diyos-diyosan na si Molec, at ang bituing imahen ng inyong diyos na si Refan. Itoʼy mga diyos-diyosang ginawa ninyo para sambahin. Kaya itatapon ko kayo nang mas malayo pa sa Babilonia.’”

Acts 7:43 (UKJV) Yea, all of you took up the tabernacle of Moloch, and the star of your god Remphan, figures which all of you made to worship them: and I will carry you away beyond Babylon.

41Pagkatapos, gumawa sila ng diyos-diyosang kaanyo ng guya. Naghandog sila rito, at ipinagdiwang nila ang gawa ng sarili nilang mga kamay.

42Sa ginawa nilang iyon, tinalikuran sila ng Diyos at hinayaan silang sumamba sa mga bituin sa langit, tulad ng nakasulat sa aklat ng mga propeta: ‘Kayong mga Israelita, sa akin ba kayo nagbigay ng mga alay na hayop at mga handog sa loob ng apatnapung taon ninyo sa ilang?

43Hindi! Dala-dala pa ninyo ang tolda ng inyong diyos-diyosan na si Molec, at ang bituing imahen ng inyong diyos na si Refan. Itoʼy mga diyos-diyosang ginawa ninyo para sambahin. Kaya itatapon ko kayo nang mas malayo pa sa Babilonia.’”

44Sinabi pa ni Esteban, “Noong naroon pa ang ating mga ninuno sa disyerto, dala-dala nila ang Toldang Tipanan kung saan nila sinasamba ang Diyos. Ginawa ang toldang ito ayon sa utos ng Diyos kay Moises at sa planong ipinakita sa kanya.

45Tinanggap ito ng ating mga ninuno na nasa pamumuno ni Josue. Dala-dala nila ito noong sakupin nila ang lupain ng mga bansang itinaboy ng Diyos mula sa kanilang harapan. Nanatili ito roon hanggang sa panahon ni David.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.