39“Subalit ayaw sumunod ng ating mga ninuno sa kanya. Sa halip, itinakwil nila siya, at gusto nilang bumalik sa Ehipto.
40Sinabi nila kay Aaron, ‘Ilikha mo kami ng diyos na mangunguna sa amin; sapagkat hindi na namin alam kung ano ang nangyari sa Moises na ʼyan na naglabas sa amin mula sa Ehipto.’
41Pagkatapos, gumawa sila ng diyos-diyosang kaanyo ng guya. Naghandog sila rito, at ipinagdiwang nila ang gawa ng sarili nilang mga kamay.
42Sa ginawa nilang iyon, tinalikuran sila ng Diyos at hinayaan silang sumamba sa mga bituin sa langit, tulad ng nakasulat sa aklat ng mga propeta: ‘Kayong mga Israelita, sa akin ba kayo nagbigay ng mga alay na hayop at mga handog sa loob ng apatnapung taon ninyo sa ilang?
43Hindi! Dala-dala pa ninyo ang tolda ng inyong diyos-diyosan na si Molec, at ang bituing imahen ng inyong diyos na si Refan. Itoʼy mga diyos-diyosang ginawa ninyo para sambahin. Kaya itatapon ko kayo nang mas malayo pa sa Babilonia.’”