Mga Gawa 7

‘Ang langit ang aking trono, at ang lupa ang aking apakan. Anong uri ng bahay ang gagawin nʼyo para sa akin? sabi ng Panginoon. Anong lugar ba ang mapagpapahingahan ko?

Acts 7:49 (UKJV) Heaven is my throne, and earth is my footstool: what house will all of you build me? says the Lord: or what is the place of my rest?

47Ngunit hindi siya ang nagpatayo ng bahay para sa Diyos kundi si Solomon na anak niya.

48“Subalit ang Kataas-taasang Diyos ay hindi naninirahan sa mga bahay na gawa ng tao. Katulad ng sinabi ng propeta,

49‘Ang langit ang aking trono, at ang lupa ang aking apakan. Anong uri ng bahay ang gagawin nʼyo para sa akin? sabi ng Panginoon. Anong lugar ba ang mapagpapahingahan ko?

50Hindi baʼt ako ang gumawa ng lahat ng bagay na ito?’”

51Sinabi ni Esteban, “Napakatigas ng ulo ninyo! Nagbibingi-bingihan kayo sa salita ng Diyos at ayaw nʼyong sumunod dito. Palagi ninyong kinakalaban ang Banal na Espiritu. Manang-mana kayo sa mga ninuno ninyo!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.