1At sinang-ayunan ni Saulo ang pagpatay kay Esteban. Mula sa araw na iyon, nagsimula ang matinding pag-uusig sa iglesya sa Jerusalem. Kaya nagkawatak-watak sila sa buong lalawigan ng Judea at Samaria, maliban sa mga apostol na hindi umalis sa Jerusalem.
2Inilibing si Esteban ng mga taong may takot sa Diyos, at labis nila siyang ipinagluksa.
3Samantala, sinikap ni Saulo na wasakin ang iglesya. Pinasok niya ang mga bahay-bahay at kinakaladkad ang mga lalaki at mga babae, at ibinilanggo.