28Pauwi na ito noon at nakaupo sa kanyang karwahe habang binabasa ang aklat ni Propeta Isaias.
29Sinabi ng Espiritu kay Felipe, “Lumapit ka sa karwaheng ʼyon at sabayan mo.”
30Kaya patakbong lumapit sa karwahe si Felipe, at narinig niyang binabasa ng lalaki ang aklat ni Propeta Isaias. Tinanong siya ni Felipe, “Nauunawaan ba ninyo ang inyong binabasa?”
31Sumagot ang eunuko, “Paano ko mauunawaan kung wala namang magpapaliwanag sa akin?” Kaya inanyayahan niya si Felipe na sumakay sa kanyang karwahe at maupo sa tabi niya.
32Ito ang bahagi ng Kasulatan na kanyang binabasa: “Siya ay tulad ng isang tupa na inaakay patungo sa katayan; Gaya ng isang munting tupa wala siyang imik habang ginugupitan ni bibig niyaʼy ayaw buksan.