Mga Gawa 9

Kaya mula noon, kasa-kasama na nila si Saulo sa Jerusalem, at buong tapang siyang nangangaral sa ngalan ng Panginoon.

Acts 9:28 (UKJV) And he was with them coming in and going out at Jerusalem.

26Pagdating ni Saulo sa Jerusalem, gusto niya sanang makisalamuha sa mga alagad ni Hesus, pero takot sila sa kanya. Hindi sila naniniwala na siyaʼy alagad na rin ni Hesus.

27Ngunit isinama siya ni Bernabe at dinala sa mga apostol. Ikinuwento ni Bernabe sa kanila kung paano nakita ni Saulo ang Panginoong Hesus sa daan at kung ano ang sinabi ni Hesus sa kanya. At sinabi rin niya ang katapangan ni Saulo sa pangangaral tungkol kay Hesus doon sa Damasco.

28Kaya mula noon, kasa-kasama na nila si Saulo sa Jerusalem, at buong tapang siyang nangangaral sa ngalan ng Panginoon.

29Nakipag-usap din siya at nakipagdebate sa mga Helenista, kaya pinagsikapan nilang patayin siya.

30Nang malaman ng mga mananampalataya ang plano nila, inihatid nila si Saulo sa Cesarea at pinauwi sa Tarso.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.