Mga Gawa 9

Nang malaman ng mga mananampalataya ang plano nila, inihatid nila si Saulo sa Cesarea at pinauwi sa Tarso.

Acts 9:30 (UKJV) Which when the brethren knew, they brought him down to Caesarea, and sent him forth to Tarsus.

28Kaya mula noon, kasa-kasama na nila si Saulo sa Jerusalem, at buong tapang siyang nangangaral sa ngalan ng Panginoon.

29Nakipag-usap din siya at nakipagdebate sa mga Helenista, kaya pinagsikapan nilang patayin siya.

30Nang malaman ng mga mananampalataya ang plano nila, inihatid nila si Saulo sa Cesarea at pinauwi sa Tarso.

31Pagkatapos noon, naging matiwasay ang pamumuhay ng iglesya sa buong Judea, sa Galilea, at sa Samaria. Lalo pang lumakas ang kanilang pananampalataya at namuhay silang may takot sa Panginoon. Pinalalakas ng Banal na Espiritu ang kanilang loob, kaya lalo pa silang dumami.

32Samantala, sa paglalakbay ni Pedro sa ibaʼt-ibang lugar para dalawin ang mga hinirang ng Diyos, dinalaw niya rin ang mga alagad na nasa Lida.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.