5Sumagot si Saulo, “Sino po kayo, Panginoon?” Sinagot siya ng tinig, “Ako si Hesus na iyong inuusig.
6Tumayo ka at pumunta sa lungsod, at doon ay may magsasabi sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.”
7Ang mga kasama ni Saulo na naglalakbay ay natigilan at hindi nakapagsalita. Narinig nila ang tinig, ngunit wala silang nakita.
8Tumayo si Saulo, ngunit pagmulat niya, hindi na siya makakita. Kaya inakay na lang siya ng mga kasama niya hanggang sa Damasco.
9Tatlong araw siyang hindi nakakita, at hindi siya kumain o uminom.