4“Pumunta kayo sa Betel at gumawa kayo ng kasalanan. Pumunta kayo sa Gilgal at dagdagan pa ninyo ang mga ito. Dalhin ninyo ang inyong mga handog bawat umaga; dalhin ninyo ang inyong mga ikapu tuwing ikatlong araw.
5Sige, magsunog kayo ng tinapay na may pampaalsa bilang handog ng pasasalamat. Ipagmalaki ninyo ang mga iyan pati ang inyong mga handog na kusang-loob, dahil iyan ang gusto ninyong gawin,” sabi ng Makapangyarihang Panginoon.
6“Ako ang nagpadala sa inyo ng taggutom sa lahat ng inyong mga lungsod at bayan; ngunit hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin,” sabi ng Panginoon.
7“Ako rin ang pumigil sa ulan sa loob ng tatlong buwan bago dumating ang anihan. Pinauulan ko sa isang bayan ngunit sa iba ay hindi. Pinauulan ko sa isang bukirin ngunit sa ibang bukirin ay tigang.
8Ang mga taoʼy pasuray-suray na naghahanap ng tubig; palipat-lipat sila sa mga bayan, pero walang makuhang sapat na maiinom. Ngunit hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin,” sabi ng Panginoon.