1Mga Israelita, pakinggan nʼyo itong panaghoy tungkol sa inyo:
2“Ang Israel na katulad ng isang babaeng birhen ay nabuwal at hindi na muling makabangon. Pinabayaan siyang nakahandusay sa sarili niyang lupain at walang tumutulong para ibangon siya.”
3Ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Sa isang libong sundalo na ipapadala ng isang lungsod sa Israel, isang daan na lang ang matitira. At sa isang daang sundalo na kanyang ipapadala, sampu na lang ang matitira.”