12Sapagkat alam ko kung gaano karami at kabigat ang inyong mga kasalanan. Inuusig ninyo ang mga taong walang kasalanan at kinikikilan pa ninyo. Hindi ninyo binibigyan ng hustisya sa hukuman ang mga mahihirap.
13Dahil naghahari ngayon ang kasamaan, ang marurunong ay tumatahimik na lang.
14Gawin na lamang ninyo ang mabuti at huwag ang masama para mabuhay kayo, at sasamahan kayo ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo, gaya nang inyong sinasabi.
15Kapootan ninyo ang masama at gawin ang mabuti, at pairalin ninyo ang hustisya sa inyong mga hukuman. Baka sakaling maawa ang Panginoong Diyos ng mga Hukbo sa inyong mga natitira sa mga lahi ni Jose.
16Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo: “Darating ang araw na maririnig ang mga iyakan at panaghoy sa mga plasa at mga lansangan. Ipapatawag ang mga magsasaka upang umiyak sa mga patay kasama ng mga taong inupahan upang umiyak.