Amos 7

Ito ang ipinakita sa akin ng Makapangyarihang Panginoon: Nakita kong nagtipon siya ng napakaraming balang. Nangyari ito matapos maibigay sa hari ang kanyang parte mula sa unang ani sa bukid. At nang magsisimula na ang pangalawang ani,

1Ito ang ipinakita sa akin ng Makapangyarihang Panginoon: Nakita kong nagtipon siya ng napakaraming balang. Nangyari ito matapos maibigay sa hari ang kanyang parte mula sa unang ani sa bukid. At nang magsisimula na ang pangalawang ani,

2nakita kong kinain ng mga balang ang lahat ng tanim at walang natira. Kaya sinabi ko, “Makapangyarihang Panginoon, nakikiusap po ako na patawarin nʼyo na ang mga lahi ni Jacob. Paano sila mabubuhay kung parurusahan nʼyo sila? Mahina po sila at walang kakayahan.”

3Kaya nagbago ang isip ng Panginoon. At kanyang sinabi, “Hindi na mangyayari ang nakita mo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.