13Huwag ka nang magpahayag ng mensahe ng Diyos dito sa Betel, sapagkat nandito ang templong sinasambahan ng hari, ang templo ng kanyang kaharian.”
14Sumagot si Amos kay Amazia, “Hindi ako propeta noon at hindi rin ako tagasunod ng isang propeta. Pastol ako ng tupa at nag-aalaga rin ng mga punongkahoy ng sikomoro.
15Ngunit sinabi sa akin ng Panginoon na iwan ko ang aking trabaho bilang pastol ng kawan at ipahayag ko ang kanyang mensahe sa inyo na mga taga-Israel na kanyang mamamayan.
16Ngayon, ikaw na nagbabawal sa akin na sabihin ang mensahe ng Diyos sa mga taga-Israel na lahi ni Isaac, pakinggan mo ang sinasabi ng Panginoon laban sa iyo: ‘Ang iyong asawa ay magiging babaeng bayaran sa lungsod at ang iyong mga anak ay mamamatay sa digmaan. Ang iyong lupain ay susukatin at paghahati-hatian ng iyong mga kaaway, at mamamatay ka sa ibang bansa. At tiyak na bibihagin ang mga taga-Israel at dadalhin sa ibang bansa.’ ”