1Ito ang ipinakita sa akin ng Makapangyarihang Panginoon: Nakita ko ang isang basket na may mga hinog na prutas.
2Tinanong niya ako, “Amos, ano ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Isang basket po ng mga hinog na prutas.” Sinabi sa akin ng Panginoon, “Dumating na ang katapusan ng mga mamamayan kong Israelita. Hindi ko na sila kaaawaan.
3“Sa araw na iyon, ang masasayang awitan sa templo ay magiging iyakan dahil kakalat ang patay kahit saan. At wala nang maririnig na ingay. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”