18Si Kristo ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang pinagmulan nito, ang unang nabuhay sa mga patay, nang sa gayoʼy maging pinakadakila siya sa lahat.
19Sapagkat minabuti ng Diyos na ang pagka-Diyos niya ay manahan nang lubos kay Kristo,
20at sa pamamagitan ni Kristo, ipagkakasundo sa kanya ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa sa pamamagitan ng dugong itinigis ni Kristo sa krus.
21Noong unaʼy hiwalay kayo sa Diyos, at kayoʼy mga kaaway niya dahil sa kasamaan ng inyong pag-iisip at mga gawa.
22Subalit ngayon, ibinalik na niya kayo sa kanyang sarili sa pamamagitan ng kamatayan ng katawang-tao ni Kristo. Kaya maihaharap na kayo sa kanya na banal, malinis at walang kapintasan.