Mga Taga-Colosas 1

ang pananalig at pag-ibig na nagmumula sa pag-asang may nakalaan sa inyo sa langit. Ang pag-asang itoʼy una ninyong narinig nang ipangaral sa inyo ang salita ng katotohanan, ang Magandang Balita.

Colossians 1:5 (UKJV) For the hope which is laid up for you in heaven, whereof all of you heard before in the word of the truth of the gospel;

3Palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo sa tuwing nananalangin kami para sa inyo.

4Sapagkat nabalitaan namin ang pananampalataya ninyo kay Kristo Hesus at ang pag-ibig nʼyo sa lahat ng mga hinirang ng Diyos,

5ang pananalig at pag-ibig na nagmumula sa pag-asang may nakalaan sa inyo sa langit. Ang pag-asang itoʼy una ninyong narinig nang ipangaral sa inyo ang salita ng katotohanan, ang Magandang Balita.

6At ang Magandang Balitang itoʼy lumalaganap at lumalago sa buong mundo, katulad ng nangyari sa inyo noong una ninyong marinig at maunawaan ang katotohanan tungkol sa biyaya ng Diyos.

7Natutunan nʼyo ito kay Epafras na minamahal namin at kapwa lingkod ng Panginoon. Isa siyang tapat na lingkod ni Kristo, at pumunta siya diyan bilang kinatawan namin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.