1Mula kay Pablo na apostol ni Kristo Hesus ayon sa kalooban ng Diyos, at mula rin kay Timoteo na ating kapatid,
2Sa mga hinirang ng Diyos na nasa Colosas, mga matatapat na kapatirang nakay Kristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos na ating Ama.
3Palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo sa tuwing nananalangin kami para sa inyo.
4Sapagkat nabalitaan namin ang pananampalataya ninyo kay Kristo Hesus at ang pag-ibig nʼyo sa lahat ng mga hinirang ng Diyos,
5ang pananalig at pag-ibig na nagmumula sa pag-asang may nakalaan sa inyo sa langit. Ang pag-asang itoʼy una ninyong narinig nang ipangaral sa inyo ang salita ng katotohanan, ang Magandang Balita.