Mga Taga-Colosas 1

Sa mga hinirang ng Diyos na nasa Colosas, mga matatapat na kapatirang nakay Kristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos na ating Ama.

Colossians 1:2 (UKJV) To the saints and faithful brethren in Christ which are at Colosse: Grace be unto you, and peace, from God our Father and the Lord Jesus Christ.

1Mula kay Pablo na apostol ni Kristo Hesus ayon sa kalooban ng Diyos, at mula rin kay Timoteo na ating kapatid,

2Sa mga hinirang ng Diyos na nasa Colosas, mga matatapat na kapatirang nakay Kristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos na ating Ama.

3Palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo sa tuwing nananalangin kami para sa inyo.

4Sapagkat nabalitaan namin ang pananampalataya ninyo kay Kristo Hesus at ang pag-ibig nʼyo sa lahat ng mga hinirang ng Diyos,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.