Mga Taga-Colosas 2

Nais kong malaman ninyo kung gaano ako nagsikap para sa inyo, ganoon din sa mga nasa Laodicea at sa lahat ng hindi pa nakakakilala sa akin nang personal.

Colossians 2:1 (UKJV) For I would that all of you knew what great conflict I have for you, and for them at Laodicea, and for as many as have not seen my face in the flesh;

1Nais kong malaman ninyo kung gaano ako nagsikap para sa inyo, ganoon din sa mga nasa Laodicea at sa lahat ng hindi pa nakakakilala sa akin nang personal.

2Ginagawa ko ito upang palakasin ang loob ninyong lahat at pag-isahin kayo sa pag-ibig. Sa ganoon, malalaman at mauunawaan nʼyo nang lubos ang lihim na plano ng Diyos tungkol kay Kristo.

3Si Kristo ang pinagmumulan ng lahat ng karunungan at kaalaman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.