Mga Taga-Colosas 2

Huwag kayong padadaya sa mga taong nanghihikayat na kailangan ninyong pagkaitan ang sarili nʼyo at sambahin ang mga anghel. Pinaninindigan nila ang mga ito dahil sa mga pangitain nila na pagyayabang lang, walang kabuluhan, at gawa-gawa lang ng makamundo nilang pag-iisip.

Colossians 2:18 (UKJV) Let no man beguile you of your reward in a voluntary humility and worshipping of angels, intruding into those things which he has not seen, vainly puffed up by his fleshly mind,

16Kaya nga, huwag na kayong padadala sa mga tao na nagsasabi sa inyo kung ano ang hindi dapat kainin o inumin, o kung ano ang dapat gawin tuwing kapistahan, Pista ng Pagsisimula ng Buwan, o Araw ng Pamamahinga.

17Anino lamang ang mga ito ng inaasahan noon na darating, at si Kristo ang katuparan nito.

18Huwag kayong padadaya sa mga taong nanghihikayat na kailangan ninyong pagkaitan ang sarili nʼyo at sambahin ang mga anghel. Pinaninindigan nila ang mga ito dahil sa mga pangitain nila na pagyayabang lang, walang kabuluhan, at gawa-gawa lang ng makamundo nilang pag-iisip.

19Wala silang kaugnayan kay Kristo na siyang ulo natin. Siya ang nag-uugnay at nag-aalaga sa atin na kanyang katawan sa pamamagitan ng mga magkakaugnay na bahagi nito. Sa ganoon, lumalago tayo nang naaayon sa Diyos.

20Namatay kayong kasama ni Kristo, at pinalaya sa mga walang kabuluhang pamamaraan ng mundo, ngunit bakit makamundo pa rin ang inyong pamumuhay? Bakit sumusunod pa rin kayo sa mga tuntuning tulad ng,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.