Mga Taga-Colosas 2

Namatay kayong kasama ni Kristo, at pinalaya sa mga walang kabuluhang pamamaraan ng mundo, ngunit bakit makamundo pa rin ang inyong pamumuhay? Bakit sumusunod pa rin kayo sa mga tuntuning tulad ng,

Colossians 2:20 (UKJV) Wherefore if all of you be dead with Christ from the rudiments of the world, why, as though living in the world, are all of you subject to ordinances,

18Huwag kayong padadaya sa mga taong nanghihikayat na kailangan ninyong pagkaitan ang sarili nʼyo at sambahin ang mga anghel. Pinaninindigan nila ang mga ito dahil sa mga pangitain nila na pagyayabang lang, walang kabuluhan, at gawa-gawa lang ng makamundo nilang pag-iisip.

19Wala silang kaugnayan kay Kristo na siyang ulo natin. Siya ang nag-uugnay at nag-aalaga sa atin na kanyang katawan sa pamamagitan ng mga magkakaugnay na bahagi nito. Sa ganoon, lumalago tayo nang naaayon sa Diyos.

20Namatay kayong kasama ni Kristo, at pinalaya sa mga walang kabuluhang pamamaraan ng mundo, ngunit bakit makamundo pa rin ang inyong pamumuhay? Bakit sumusunod pa rin kayo sa mga tuntuning tulad ng,

21“Huwag hahawak nito! Huwag titikim niyon! Huwag hihipo niyan!”?

22Ang mga itoʼy batay lang sa utos at turo ng tao tungkol sa mga bagay na nawawala pagkatapos kainin o inumin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.