Mga Taga-Colosas 2

Ang mga itoʼy batay lang sa utos at turo ng tao tungkol sa mga bagay na nawawala pagkatapos kainin o inumin.

Colossians 2:22 (UKJV) Which all are to perish with the using;) after the commandments and doctrines of men?

20Namatay kayong kasama ni Kristo, at pinalaya sa mga walang kabuluhang pamamaraan ng mundo, ngunit bakit makamundo pa rin ang inyong pamumuhay? Bakit sumusunod pa rin kayo sa mga tuntuning tulad ng,

21“Huwag hahawak nito! Huwag titikim niyon! Huwag hihipo niyan!”?

22Ang mga itoʼy batay lang sa utos at turo ng tao tungkol sa mga bagay na nawawala pagkatapos kainin o inumin.

23Sa unang tingin, wariʼy may karunungan ang mga ganitong katuruan tungkol sa gusto nilang pagsamba, pagpapakumbaba, at pagpapahirap sa sariling katawan. Subalit ang totoo, wala namang naitutulong ang mga ito sa pagpipigil sa masasamang hilig ng laman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.