Mga Taga-Colosas 3

at isinuot na ninyo ang bagong pagkatao. Ang pagkataong itoʼy patuloy na binabago ng Diyos na lumikha nito, upang maging katulad niya tayo at upang makilala natin siya nang lubusan.

Colossians 3:10 (UKJV) And have put on the new man, which is renewed in knowledge after the image of him that created him:

8Ngunit ngayon, dapat na ninyong itakwil ang lahat ng ito: galit, poot, sama ng loob, paninira sa kapwa, at malaswang pananalita.

9Huwag kayong magsinungaling sa isaʼt isa, sapagkat hinubad nʼyo na ang dati ninyong pagkatao at masasamang gawain,

10at isinuot na ninyo ang bagong pagkatao. Ang pagkataong itoʼy patuloy na binabago ng Diyos na lumikha nito, upang maging katulad niya tayo at upang makilala natin siya nang lubusan.

11Dahil dito, wala nang ipinagkaiba ang Hudyo sa Hentil, ang tuli sa hindi tuli, ang barbaro, ang hindi sibilisado, ang alipin, at ang malaya. Si Kristo na ang kabuuan ng lahat, at siyaʼy nasa ating lahat.

12Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Diyos, dapat kayong maging mapagmalasakit, mabuti ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.