Mga Taga-Colosas 3

At kung maihayag na si Kristo na siyang buhay natin, kayo rin ay mahahayag na kasama niya sa kaluwalhatian.

Colossians 3:4 (UKJV) When Christ, who is our life, shall appear, then shall all of you also appear with him in glory.

2Doon ninyo ituon ang isip nʼyo, at hindi sa mga makamundong bagay.

3Sapagkat namatay na kayo sa dati nʼyong buhay, at ang buhay ninyo ngayon ay nakatagong kasama ni Kristo sa Diyos.

4At kung maihayag na si Kristo na siyang buhay natin, kayo rin ay mahahayag na kasama niya sa kaluwalhatian.

5Kaya puksain na ninyo ang anumang kamunduhang nasa inyo: ang seksuwal na imoralidad, kalaswaan, pagnanasa, at kasakiman na katumbas na rin ng pagsamba sa mga diyos-diyosan.

6Paparusahan ng Diyos ang mga taong gumagawa ng mga bagay na iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.