Mga Taga-Colosas 4

Kinukumusta rin kayo ng kababayan ninyong si Epafras na isa ring lingkod ni Kristo Hesus. Palagi siyang nananalangin nang taimtim na manatili kayong matatag, maging ganap, at panatag sa kalooban ng Diyos.

Colossians 4:12 (UKJV) Epaphras, who is one of you, a servant of Christ, salutes you, always labouring fervently for you in prayers, that all of you may stand perfect and complete in all the will of God.

10Kinukumusta kayo nina Aristarco na kapwa ko bilanggo at Marcos na pinsan ni Bernabe. (Gaya ng ibinilin ko sa inyo, malugod ninyong tanggapin si Marcos pagdating niya dʼyan.)

11Kinukumusta rin kayo ni Hesus na kilala rin bilang Justo. Sila lang ang mga Hudyo na kasama ko ritong naglilingkod para sa kaharian ng Diyos, at pinapalakas nila ang loob ko.

12Kinukumusta rin kayo ng kababayan ninyong si Epafras na isa ring lingkod ni Kristo Hesus. Palagi siyang nananalangin nang taimtim na manatili kayong matatag, maging ganap, at panatag sa kalooban ng Diyos.

13Saksi ako sa mga pagsisikap ni Epafras para sa inyo at para sa mga nasa Laodicea at Hierapolis.

14Kinukumusta rin kayo ni Lucas, ang minamahal nating doktor, at ni Demas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.