Mga Taga-Colosas 4

Kinukumusta rin kayo ni Hesus na kilala rin bilang Justo. Sila lang ang mga Hudyo na kasama ko ritong naglilingkod para sa kaharian ng Diyos, at pinapalakas nila ang loob ko.

Colossians 4:11 (UKJV) And Jesus, which is called Justus, who are of the circumcision. These only are my fellow workers unto the kingdom of God, which have been a comfort unto me.

9Kasama niya sa pagpunta diyan si Onesimo, ang tapat at minamahal nating kapatid na kababayan ninyo. Sila ang magbabalita sa inyo tungkol sa lahat ng nangyayari dito.

10Kinukumusta kayo nina Aristarco na kapwa ko bilanggo at Marcos na pinsan ni Bernabe. (Gaya ng ibinilin ko sa inyo, malugod ninyong tanggapin si Marcos pagdating niya dʼyan.)

11Kinukumusta rin kayo ni Hesus na kilala rin bilang Justo. Sila lang ang mga Hudyo na kasama ko ritong naglilingkod para sa kaharian ng Diyos, at pinapalakas nila ang loob ko.

12Kinukumusta rin kayo ng kababayan ninyong si Epafras na isa ring lingkod ni Kristo Hesus. Palagi siyang nananalangin nang taimtim na manatili kayong matatag, maging ganap, at panatag sa kalooban ng Diyos.

13Saksi ako sa mga pagsisikap ni Epafras para sa inyo at para sa mga nasa Laodicea at Hierapolis.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.