Mga Taga-Colosas 4

Kasama niya sa pagpunta diyan si Onesimo, ang tapat at minamahal nating kapatid na kababayan ninyo. Sila ang magbabalita sa inyo tungkol sa lahat ng nangyayari dito.

Colossians 4:9 (UKJV) With Onesimus, a faithful and beloved brother, who is one of you. They shall make known unto you all things which are done here.

7Kung tungkol naman sa kalagayan ko rito, ang minamahal naming si Tiquico ang magbabalita sa inyo. Isa siyang tapat na manggagawa at kapwa ko lingkod ng Panginoon.

8Pinapunta ko siya diyan upang malaman nʼyo ang kalagayan namin, at upang lumakas ang inyong loob.

9Kasama niya sa pagpunta diyan si Onesimo, ang tapat at minamahal nating kapatid na kababayan ninyo. Sila ang magbabalita sa inyo tungkol sa lahat ng nangyayari dito.

10Kinukumusta kayo nina Aristarco na kapwa ko bilanggo at Marcos na pinsan ni Bernabe. (Gaya ng ibinilin ko sa inyo, malugod ninyong tanggapin si Marcos pagdating niya dʼyan.)

11Kinukumusta rin kayo ni Hesus na kilala rin bilang Justo. Sila lang ang mga Hudyo na kasama ko ritong naglilingkod para sa kaharian ng Diyos, at pinapalakas nila ang loob ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.