Daniel 10

Habang nagsasalita siya sa akin, napayuko na lang ako at hindi nakapagsalita.

Daniel 10:15 (UKJV) And when he had spoken such words unto me, I set my face toward the ground, and I became dumb.

13Ngunit hindi ako nakarating agad dito dahil sa loob ng dalawampuʼt isang araw ay hinadlangan ako ng pinuno ng kaharian ng Persia. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Miguel na pinuno ng mga anghel dahil ako lang ang nakikipaglaban sa pinuno ng Persia.

14Narito ako ngayon upang ipaliwanag sa iyo kung ano ang mangyayari sa iyong mga kababayang Israelita sa hinaharap, dahil ang iyong pangitain ay tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap.”

15Habang nagsasalita siya sa akin, napayuko na lang ako at hindi nakapagsalita.

16Hinipo ako sa bibig nitong parang tao, at nakapagsalita akong muli. Sinabi ko sa kanya na nakatayo sa aking harapan, “Ginoo, nabagabag po ako at nawalan ng lakas dahil sa pangitaing nakita ko.

17Paano ako makikipag-usap sa inyo gayong wala na akong lakas at halos hindi na ako makahinga?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.