Daniel 10

Kaya muli niya akong hinipo at bumalik ang aking lakas.

Daniel 10:18 (UKJV) Then there came again and touched me one like the appearance of a man, and he strengthened me,

16Hinipo ako sa bibig nitong parang tao, at nakapagsalita akong muli. Sinabi ko sa kanya na nakatayo sa aking harapan, “Ginoo, nabagabag po ako at nawalan ng lakas dahil sa pangitaing nakita ko.

17Paano ako makikipag-usap sa inyo gayong wala na akong lakas at halos hindi na ako makahinga?”

18Kaya muli niya akong hinipo at bumalik ang aking lakas.

19Sinabi niya sa akin, “Ikaw na mahal ng Diyos, huwag kang matakot o mag-alala. Magpakalakas at magpakatatag ka.” Nang masabi niya ito sa akin, muli akong lumakas. Sinabi ko sa kanya, “Ituloy po ninyo ang pagsasalita, dahil pinalakas nʼyo na ako.”

20Sumagot siya, “Kinakailangang bumalik ako sa pakikipaglaban sa pinuno ng Persia. Pagkatapos, darating naman ang pinuno ng Gresya. Ngunit alam mo ba kung bakit ako pumarito sa iyo?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.