18Kaya muli niya akong hinipo at bumalik ang aking lakas.
19Sinabi niya sa akin, “Ikaw na mahal ng Diyos, huwag kang matakot o mag-alala. Magpakalakas at magpakatatag ka.” Nang masabi niya ito sa akin, muli akong lumakas. Sinabi ko sa kanya, “Ituloy po ninyo ang pagsasalita, dahil pinalakas nʼyo na ako.”
20Sumagot siya, “Kinakailangang bumalik ako sa pakikipaglaban sa pinuno ng Persia. Pagkatapos, darating naman ang pinuno ng Gresya. Ngunit alam mo ba kung bakit ako pumarito sa iyo?
21Naparito ako upang ipaliwanag sa iyo ang nakasulat sa Aklat ng Katotohanan. (Sa aking pakikipaglaban, walang ibang tumulong sa akin kundi si Miguel lamang, ang pinuno ng Israel.)