Daniel 11

Sapagkat lulusubin siya ng hukbong pandagat mula sa Kitim sa kanluran. At dahil dito, uurong siya at babalik sa kanyang bayan. Ibubunton niya ang kanyang galit sa mga mamamayan ng Diyos at sa kanilang banal na kasunduan, pero magiging mabuti siya sa mga tumalikod banal na kasunduan.

Daniel 11:30 (UKJV) For the ships of Chittim shall come against him: therefore he shall be grieved, and return, and have indignation against the holy covenant: so shall he do; he shall even return, and have intelligence with them that forsake the holy covenant.

28Ang hari ng hilaga ay uuwi sa kanyang bayan dala ang maraming nasamsam na kayamanan mula sa digmaan. Ngunit bago siya umuwi, uusigin niya ang mga mamamayan ng Diyos at ang kanyang banal na kasunduan. At pagkatapos ay saka siya uuwi sa sarili niyang bayan.

29“Sa takdang panahon ay muli niyang lulusubin ang kaharian sa timog, pero ang mangyayari ay hindi na katulad ng nangyari noon.

30Sapagkat lulusubin siya ng hukbong pandagat mula sa Kitim sa kanluran. At dahil dito, uurong siya at babalik sa kanyang bayan. Ibubunton niya ang kanyang galit sa mga mamamayan ng Diyos at sa kanilang banal na kasunduan, pero magiging mabuti siya sa mga tumalikod banal na kasunduan.

31“Uutusan ng hari ng hilaga ang kanyang mga sundalo na lapastanganin ang templong kanlungan. Ipapatigil niya ang araw-araw na paghahandog at ilalagay ang kasuklam-suklam na bagay na magiging dahilan ng pag-iwan sa Templo.

32Aakitin niya sa pamamagitan ng panlilinlang ang mga tumalikod sa banal na kasunduan upang gumawa ng hindi mabuti. Ngunit lakas-loob siyang lalabanan ng mga taong tunay na tapat sa Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.