Daniel 11

“Gagawin ng hari ng hilaga ang anumang gusto niyang gawin. Ituturing niyang higit ang kanyang sarili kaysa sinumang diyos, at hahamakin niya ang Diyos na higit kaysa sa lahat ng diyos. Magtatagumpay siya hanggang sa panahon na ipakita ng Diyos ang kanyang galit, dahil kailangang mangyari ang mga bagay na itinakda ng Diyos na dapat mangyari.

Daniel 11:36 (UKJV) And the king shall do according to his will; and he shall exalt himself, and magnify himself above every god, and shall speak marvellous things against the God of gods, and shall prosper till the indignation be accomplished: for that that is determined shall be done.

34Sa panahon na inuusig sila, iilan lang ang tutulong sa kanila, pero maraming hindi tapat ang sasáma sa kanila.

35Uusigin ang ilang nakakaunawa ng katotohanan upang maging dalisay at malinis ang kanilang mga buhay hanggang sa dumating ang katapusan, na darating sa takdang panahon.

36“Gagawin ng hari ng hilaga ang anumang gusto niyang gawin. Ituturing niyang higit ang kanyang sarili kaysa sinumang diyos, at hahamakin niya ang Diyos na higit kaysa sa lahat ng diyos. Magtatagumpay siya hanggang sa panahon na ipakita ng Diyos ang kanyang galit, dahil kailangang mangyari ang mga bagay na itinakda ng Diyos na dapat mangyari.

37Hindi niya kikilalanin ang diyos ng kanyang mga ninuno o ang diyos na mahal ng mga babae. Ituturing niyang higit ang kanyang sarili kaysa sa mga iyon. Wala siyang pahahalagahang diyos maliban sa diyos na nananalakay ng mga tanggulan.

38Pararangalan niya ang diyos na nananalakay ng mga tanggulan na hindi kilala ng kanyang mga ninuno. Hahandugan niya ito ng mga ginto, pilak, mamahaling bato, at ng iba pang mamahaling mga regalo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.