Daniel 11

Lulusubin niya ang pinakamatibay na mga tanggulan sa tulong ng diyos na iyon na hindi kilala ng kanyang mga ninuno. Pararangalan niya ang mga taong mabuti sa kanya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kapangyarihang mamahala sa maraming tao. At bibigyan niya sila ng lupain bilang gantimpala.

Daniel 11:39 (UKJV) Thus shall he do in the most strong holds with a strange god, whom he shall acknowledge and increase with glory: and he shall cause them to rule over many, and shall divide the land for gain.

37Hindi niya kikilalanin ang diyos ng kanyang mga ninuno o ang diyos na mahal ng mga babae. Ituturing niyang higit ang kanyang sarili kaysa sa mga iyon. Wala siyang pahahalagahang diyos maliban sa diyos na nananalakay ng mga tanggulan.

38Pararangalan niya ang diyos na nananalakay ng mga tanggulan na hindi kilala ng kanyang mga ninuno. Hahandugan niya ito ng mga ginto, pilak, mamahaling bato, at ng iba pang mamahaling mga regalo.

39Lulusubin niya ang pinakamatibay na mga tanggulan sa tulong ng diyos na iyon na hindi kilala ng kanyang mga ninuno. Pararangalan niya ang mga taong mabuti sa kanya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kapangyarihang mamahala sa maraming tao. At bibigyan niya sila ng lupain bilang gantimpala.

40“Pagdating ng wakas, makikipaglaban ang hari ng timog sa hari ng hilaga. Ngunit lulusubin siya ng hari ng hilaga na may mga karwaheng pandigma, mga nangangabayong sundalo at mga hukbong pandagat. Lulusubin niya ang maraming bansa at maninira na parang baha.

41Lulusubin niya pati ang magandang lupain ng Israel, at maraming tao ang mamamatay. Ngunit makakatakas ang Edom, ang Moab at ang mga pinuno ng Amon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.