41Lulusubin niya pati ang magandang lupain ng Israel, at maraming tao ang mamamatay. Ngunit makakatakas ang Edom, ang Moab at ang mga pinuno ng Amon.
42Maraming bansa ang kanyang lulusubin, kabilang dito ang Ehipto.
43Mapapasakanya ang mga ginto, pilak, at ang lahat ng kayamanan ng Ehipto. Sasakupin din niya ang Libya at Etiopia.
44Ngunit may mga balitang magmumula sa silangan at hilaga na babagabag sa kanya. Kaya sasalakay siya sa matinding galit, at maraming tao ang kanyang lilipulin nang lubusan.
45Magtatayo siya ng maharlikang tolda sa pagitan ng dagat at ng banal na bundok. Ngunit mamamatay siya nang wala man lang tutulong sa kanya.”