Daniel 11

“Sa bandang huli, maghahari sa timog ang isa sa mga kamag-anak ng babae. Siya ang papalit sa kanyang ama. Lulusubin niya ang mga sundalo ng hari ng hilaga at papasukin ang tanggulan nito, at magtatagumpay siya sa labanan.

Daniel 11:7 (UKJV) But out of a branch of her roots shall one stand up in his estate, which shall come with an army, and shall enter into the fortress of the king of the north, and shall deal against them, and shall prevail:

5“Ang hari ng timog ay magiging makapangyarihan. Ngunit isa sa kanyang mga heneral ay magiging mas makapangyarihan kaysa sa kanya. At sa bandang huli, ang heneral na ito ay maghahari rin at magiging makapangyarihan ang kaharian niya.

6Pagkalipas ng ilang taon, magsasanib ang dalawang kahariang ito, dahil ipapaasawa ng hari ng timog ang anak niyang babae sa hari ng hilaga. Ngunit hindi magtatagal ang kapangyarihan ng babae pati ang kapangyarihan ng hari ng hilaga. Sapagkat sa panahong iyon, papatayin ang babae at ang kanyang asawaʼt anak, pati ang mga naglilingkod sa kanya.

7“Sa bandang huli, maghahari sa timog ang isa sa mga kamag-anak ng babae. Siya ang papalit sa kanyang ama. Lulusubin niya ang mga sundalo ng hari ng hilaga at papasukin ang tanggulan nito, at magtatagumpay siya sa labanan.

8Dadalhin niya pauwi sa Ehipto ang mga diyos-diyosan nila at mga mamahaling ari-arian na yari sa ginto at pilak. Sa loob ng ilang taon, hindi na siya makikipagdigma sa hari ng hilaga.

9Ngunit sa bandang huli, lulusubin ng hari sa hilaga ang hari sa timog, pero matatalo ito at babalik sa kanyang bayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.