Daniel 11

Dadalhin niya pauwi sa Ehipto ang mga diyos-diyosan nila at mga mamahaling ari-arian na yari sa ginto at pilak. Sa loob ng ilang taon, hindi na siya makikipagdigma sa hari ng hilaga.

Daniel 11:8 (UKJV) And shall also carry captives into Egypt their gods, with their princes, and with their precious vessels of silver and of gold; and he shall continue more years than the king of the north.

6Pagkalipas ng ilang taon, magsasanib ang dalawang kahariang ito, dahil ipapaasawa ng hari ng timog ang anak niyang babae sa hari ng hilaga. Ngunit hindi magtatagal ang kapangyarihan ng babae pati ang kapangyarihan ng hari ng hilaga. Sapagkat sa panahong iyon, papatayin ang babae at ang kanyang asawaʼt anak, pati ang mga naglilingkod sa kanya.

7“Sa bandang huli, maghahari sa timog ang isa sa mga kamag-anak ng babae. Siya ang papalit sa kanyang ama. Lulusubin niya ang mga sundalo ng hari ng hilaga at papasukin ang tanggulan nito, at magtatagumpay siya sa labanan.

8Dadalhin niya pauwi sa Ehipto ang mga diyos-diyosan nila at mga mamahaling ari-arian na yari sa ginto at pilak. Sa loob ng ilang taon, hindi na siya makikipagdigma sa hari ng hilaga.

9Ngunit sa bandang huli, lulusubin ng hari sa hilaga ang hari sa timog, pero matatalo ito at babalik sa kanyang bayan.

10“Magtitipon ng maraming sundalo ang mga anak ng hari ng hilaga upang maghanda sa pakikipaglaban. Ang isa sa kanila ay sasalakay na parang bahang hindi mapigilan. Sasalakay siya hanggang sa tanggulan ng hari ng timog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.