Daniel 11

“Magtitipon ng maraming sundalo ang mga anak ng hari ng hilaga upang maghanda sa pakikipaglaban. Ang isa sa kanila ay sasalakay na parang bahang hindi mapigilan. Sasalakay siya hanggang sa tanggulan ng hari ng timog.

Daniel 11:10 (UKJV) But his sons shall be stirred up, and shall assemble a multitude of great forces: and one shall certainly come, and overflow, and pass through: then shall he return, and be stirred up, even to his fortress.

8Dadalhin niya pauwi sa Ehipto ang mga diyos-diyosan nila at mga mamahaling ari-arian na yari sa ginto at pilak. Sa loob ng ilang taon, hindi na siya makikipagdigma sa hari ng hilaga.

9Ngunit sa bandang huli, lulusubin ng hari sa hilaga ang hari sa timog, pero matatalo ito at babalik sa kanyang bayan.

10“Magtitipon ng maraming sundalo ang mga anak ng hari ng hilaga upang maghanda sa pakikipaglaban. Ang isa sa kanila ay sasalakay na parang bahang hindi mapigilan. Sasalakay siya hanggang sa tanggulan ng hari ng timog.

11“At dahil sa galit ng hari ng timog, lalabanan niya ang hari ng hilaga at tatalunin niya ang napakaraming sundalo nito.

12Sa kanyang tagumpay, magmamataas siya at marami pa ang kanyang papatayin, pero hindi magtatagal ang kanyang tagumpay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.