Daniel 12

Itinaas ng taong nakadamit ng telang lino ang kanyang dalawang kamay at narinig kong sumumpa siya sa Diyos na buháy magpakailanman. Sinabi niya, “Matatapos ito sa loob ng tatlong taon at kalahati, kapag natapos na ang paghihirap ng mga mamamayan ng Diyos.”

Daniel 12:7 (UKJV) And I heard the man clothed in linen, which was upon the waters of the river, when he held up his right hand and his left hand unto heaven, and swore by him that lives for ever that it shall be for a time, times, and an half; and when he shall have accomplished to scatter the power of the holy people, all these things shall be finished.

5Pagkatapos niyang sabihin iyon, akong si Daniel ay may nakita pang dalawang taong nakatayo sa magkabilang pampang ng ilog.

6Nagtanong ang isa sa kanila sa taong nakadamit ng telang lino na nakatayo sa mataas na bahagi ng ilog, “Gaano kaya katagal bago matapos ang mga nakakamanghang pangyayaring iyon?”

7Itinaas ng taong nakadamit ng telang lino ang kanyang dalawang kamay at narinig kong sumumpa siya sa Diyos na buháy magpakailanman. Sinabi niya, “Matatapos ito sa loob ng tatlong taon at kalahati, kapag natapos na ang paghihirap ng mga mamamayan ng Diyos.”

8Hindi ko naunawaan ang kanyang sagot kaya tinanong ko siya, “Ano po ba ang kalalabasan ng mga pangyayaring iyon?”

9Sumagot siya, “Sige na, Daniel, hayaan mo na iyon, dahil ang sagot sa tanong moʼy mananatiling lihim at hindi maaaring sabihin hanggang sa dumating ang katapusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.