Daniel 12

Nagtanong ang isa sa kanila sa taong nakadamit ng telang lino na nakatayo sa mataas na bahagi ng ilog, “Gaano kaya katagal bago matapos ang mga nakakamanghang pangyayaring iyon?”

Daniel 12:6 (UKJV) And one said to the man clothed in linen, which was upon the waters of the river, How long shall it be to the end of these wonders?

4Ngunit Daniel, isara mo muna ang aklat na ito at huwag mo munang sabihin sa mga tao ang mensahe nito hanggang sa dumating ang katapusan. Habang hindi pa ito ipinapahayag, marami ang magsisikap na unawain ang mga nangyayari.”

5Pagkatapos niyang sabihin iyon, akong si Daniel ay may nakita pang dalawang taong nakatayo sa magkabilang pampang ng ilog.

6Nagtanong ang isa sa kanila sa taong nakadamit ng telang lino na nakatayo sa mataas na bahagi ng ilog, “Gaano kaya katagal bago matapos ang mga nakakamanghang pangyayaring iyon?”

7Itinaas ng taong nakadamit ng telang lino ang kanyang dalawang kamay at narinig kong sumumpa siya sa Diyos na buháy magpakailanman. Sinabi niya, “Matatapos ito sa loob ng tatlong taon at kalahati, kapag natapos na ang paghihirap ng mga mamamayan ng Diyos.”

8Hindi ko naunawaan ang kanyang sagot kaya tinanong ko siya, “Ano po ba ang kalalabasan ng mga pangyayaring iyon?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.