Daniel 2

Pumayag naman ang hari, kaya umuwi si Daniel at ibinalita sa kanyang mga kasamahang sina Hananias, Misael at Azarias ang tungkol sa nangyari.

Daniel 2:17 (UKJV) Then Daniel went to his house, and made the thing known to Hananiah, Mishael, and Azariah, his companions:

15Maingat na nagtanong si Daniel sa kanya kung ano ang dahilan ng napakabigat na utos ng hari. Kaya sinabi sa kanya ni Arioc ang nangyari.

16Pagkatapos, pumunta si Daniel sa hari at hiniling niya na bigyan siya ng panahong maipaliwanag ang kahulugan ng panaginip nito.

17Pumayag naman ang hari, kaya umuwi si Daniel at ibinalita sa kanyang mga kasamahang sina Hananias, Misael at Azarias ang tungkol sa nangyari.

18Hiniling niya sa mga ito na manalangin upang kaawaan sila ng Diyos sa langit at upang malaman nila ang kahulugan ng panaginip ng hari, upang si Daniel at ang kanyang mga kaibigan ay hindi patayin kasama ng iba pang marurunong na tao sa Babilonia.

19Nang gabing iyon, ipinahayag ng Diyos kay Daniel ang panaginip ng hari at ang kahulugan nito sa pamamagitan ng pangitain. At pinuri ni Daniel ang Diyos sa langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.