Daniel 2

At inihayag sa akin ng Diyos ang inyong panaginip hindi dahil mas matalino ako kaysa sa iba kundi upang maipaliwanag ko sa inyo, Mahal na Hari, at maintindihan nʼyo ang gumugulo sa inyong isipan.

Daniel 2:30 (UKJV) But as for me, this secret is not revealed to me for any wisdom that I have more than any living, but for their sakes that shall make known the interpretation to the king, and that you might know the thoughts of your heart.

28Ngunit may Diyos sa langit na naghahayag ng mga mahiwagang bagay. At inihayag niya sa Haring Nebucadnezar sa panaginip ang mangyayari sa hinaharap. Ngayon, sasabihin ko po sa inyo ang mga pangitaing nakita ninyo sa inyong panaginip.

29“Habang natutulog po kayo, Mahal na Hari, nanaginip kayo tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap. Ipinapaalam ito sa inyo ng Diyos na tagapagpahayag ng mga mahiwagang bagay.

30At inihayag sa akin ng Diyos ang inyong panaginip hindi dahil mas matalino ako kaysa sa iba kundi upang maipaliwanag ko sa inyo, Mahal na Hari, at maintindihan nʼyo ang gumugulo sa inyong isipan.

31“May nakita ang Mahal na Hari na isang napakalaking rebulto na nakakasilaw. Nakatayo sa inyong harapan ang rebulto at nakakatakot tingnan.

32Yari sa purong ginto ang ulo nito, pilak naman ang mga bisig at dibdib, tanso ang tiyan at hita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.