Daniel 3

At binigyan ng hari sina Shadrac, Meshac at Abednego ng mas mataas pang tungkulin sa lalawigan ng Babilonia.

Daniel 3:30 (UKJV) Then the king promoted Shadrach, Meshach, and Abednego, in the province of Babylon.

28Dahil dito, sinabi ni Nebucadnezar, “Purihin ang Diyos nina Shadrac, Meshac, at Abednego. Nagsugo siya ng kanyang anghel upang iligtas ang kanyang mga lingkod na nagtitiwala sa kanya. Hindi nila sinunod ang utos ng hari; minabuti pa nilang mapatapon sa apoy kaysa sumamba sa alinmang diyos maliban sa kanilang Diyos.

29Kaya iniuutos ko na ang sinumang tao sa alinmang bansa, lahi, o wika na magsasalita ng masama laban sa Diyos nina Shadrac, Meshac, at Abednego ay pagpuputol-putulin ang katawan at wawasakin ang kanilang mga bahay. Sapagkat walang ibang diyos na makapagliligtas sa ganitong paraan.”

30At binigyan ng hari sina Shadrac, Meshac at Abednego ng mas mataas pang tungkulin sa lalawigan ng Babilonia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.