Daniel 3

Dahil dito, sinabi ni Nebucadnezar, “Purihin ang Diyos nina Shadrac, Meshac, at Abednego. Nagsugo siya ng kanyang anghel upang iligtas ang kanyang mga lingkod na nagtitiwala sa kanya. Hindi nila sinunod ang utos ng hari; minabuti pa nilang mapatapon sa apoy kaysa sumamba sa alinmang diyos maliban sa kanilang Diyos.

Daniel 3:28 (UKJV) Then Nebuchadnezzar spoke, and said, Blessed be the God of Shadrach, Meshach, and Abednego, who has sent his angel, and delivered his servants that trusted in him, and have changed the king's word, and yielded their bodies, that they might not serve nor worship any god, except their own God.

26Kaya lumapit si Nebucadnezar sa pintuan ng naglalagablab na hurno at tinawag sila, “Shadrac, Meshac, at Abednego, mga lingkod ng Kataas-taasang Diyos, lumabas kayo riyan. Halikayo rito.” At lumabas silang tatlo mula sa hurno.

27Pagkatapos, nagtipon sa kanila ang mga gobernador, alkalde, komisyoner, at ang iba pang mga opisyal ng hari. At nakita nilang hindi man lang sila napinsala ng apoy, ni hindi nag-amoy usok ang kanilang buhok o damit.

28Dahil dito, sinabi ni Nebucadnezar, “Purihin ang Diyos nina Shadrac, Meshac, at Abednego. Nagsugo siya ng kanyang anghel upang iligtas ang kanyang mga lingkod na nagtitiwala sa kanya. Hindi nila sinunod ang utos ng hari; minabuti pa nilang mapatapon sa apoy kaysa sumamba sa alinmang diyos maliban sa kanilang Diyos.

29Kaya iniuutos ko na ang sinumang tao sa alinmang bansa, lahi, o wika na magsasalita ng masama laban sa Diyos nina Shadrac, Meshac, at Abednego ay pagpuputol-putulin ang katawan at wawasakin ang kanilang mga bahay. Sapagkat walang ibang diyos na makapagliligtas sa ganitong paraan.”

30At binigyan ng hari sina Shadrac, Meshac at Abednego ng mas mataas pang tungkulin sa lalawigan ng Babilonia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.